Cristine Soriano
Pagkalipas lang ng 2 araw pagkatapos ng awarding ng scholarship sa amin ni Toneth ay sinabihan kami na kailangan na namin pumunta sa University,para makapagenroll na at maibigay na sa amin ang designated room namin,sa dormitory na magiging tahanan namin sa mga panahon na kami ay nagaaral,marami rules at strict sa mga policy. Puwede naman daw kami umuwi kapag sembreak or mga holiday breaks,kaya masaya na din ako dahil kahit paano makikita ko pa din ang aking pamilya kahit nagaaral ako. Kaya kasalukuyan kami naglalakad ni Toneth sa loob ng dormitory after kami mabriefing ng tagapamahala at maibigay sa amin ang susi.
“Excited na ako friend sa magiging kuwarto ko,sayang nga ay hindi tayo magkasama.” Panghihinayang sabi nit Toneth sa kanya. Hindi kami magkasama sa room dahil nasa 2nd floor ang aking kuwarto at nsa 1st floor ang sa kanya.
“Ok lang puntahan mo na lang ako sa kuwarto para sabay tayo magaaral ng mga subjects natin.” Masigla niyang sagot kay Toneth. Napagdesisyon namin na pareho kurso na ang aming kukunin na B.S. Psychology,naglolokohan kami para daw hindi kami basta basta maloloko at titingnan palang daw namin ay alam na namin kung anung klaseng tao siya. Kaya tawa kami ng tawa at ginawa pa namin manghuhula ang aming mga sarili.
“Besh ito na room ko pasok ka din para makita mo,tapos samahan kita sa room mo sa taas.” Sabi niya sa akin. Pumayag naman ako. Namangha ako sa ganda at sa laki nito,may 3 pinto akong nakita. Nagulat nalang kami ni Toneth ng may biglang lumabas sa isang sarado pinto at halatang katatapos lang maligo.
“Hi! mga bagong student kayo? Buti naman may makakasama na ako dito. Ako nga pala si Liza.” Pagpapakilala niya sa amin.
“Ako naman si Toneth at ito ang kaibigan ko si Cristine,hmmm...Ako lang yung dito kasi yung kaibigan ko sa 2nd floor ang kuwarto niya,hinatid niya ako dito para maiibaba yung gamit ko at sasamahan ko siya sa taas para maihatid din gamit niya.” Mahabang sagot ni Toneth kay Liza.
“Wow sa 2nd floor ang room mo yayamanin ka kung ganun,kasi ang alam ko ang mga nakatira sa 2nd floor galing sa mayayamang pamilya at kadalasan relatives o kaibigan ng nagmamayari nitong University.” Sabi niya sa amin ni Toneth.
Kaya bigla akong napaisip kung totoo ang sinasabi ni liza. Ilang beses ko tinanung ung admin ng dormitory,baka kako nagkakamali sila ng bigay sa akin ng susi,baka kasi magkasama kami talaga ni Toneth. Napansin ko din na tulad ni Toneth,lahat ng mga kapwa scholar namin sa Valdez foundation ay pareho parehong nasa 1st floor ang kuwarto at tumigil lang ako sa kakatanung nung sinabi sa akin na puno na daw ang lahat ng kuwarto sa 1st floor,kaya ung 2nd floor ang binigay sa akin.
“Hindi naman,kung hindi dahil sa scholarship ng Valdez foundation. Hindi ako makakapagaral dito nagkataon,lang daw kasi na puno na ang mga kuwarto sa 1st floor kaya yung sa 2nd floor ang binigay sa akin." Pagpapaliwanag niya kay Liza.
“Ah ganun ba baka nga marami estudyante ngayon. Welcome sa Dela Torre University nga pala. Pangalawang taon ko na dito,nakagraduate na yung dating kasama ko dito sa kuwarto,kaya buti nga may kasama na ako ulit at may magiging kachikahan ako hahahah. Anyway tutal bukas pa naman pasok,kung gusto niyo ililibot ko kayo dito,para bukas kahit paano alam niyo na kung saan kayo pupunta bukas.” Masiglang niyang paanyaya sa amin ni Toneth.
“Ay! sige gusto ko yan aayusin lang namin ang gamit namin at talagang din gusto namin lumibot,kasi ang ganda dito at first time lang namin makapunta sa ganitong lugar.” Masiglang sagot ni Toneth kay Liza.
Nagpaalam muna kami na papasok muna sa kuwarto ni Toneth para maibaba ang mga gamit niya. Konti lang naman ang dala namin,actually isang travelling bag lang kasi wala naman kaming gasinong gamit. Maganda ang kuwarto ni Toneth isang studio type na talagang pangsolo at kung my bisita naman ay sa receiving area puwede magkuwentuhan. After niya maibaba ang gamitn niya niyaya na ako ni Toneth na umakyat para naman maayos ko na din ang aking gamit.
Nung nakita ko na yung number na nakalagay sa key card ko ay agad ko itong binukasan at humanga ako pagpasok,kasi parang condo style ang sa loob solo ko din ang cr hindi katulad nung kay Toneth na 2 sila ni Liza ang nagamit.
“Wow! girl ang ganda ng kuwarto mo tingnan mo. May sarili ka din gamit na lutuan,maliit na ref tapos,may mga essentials kana din dito yayamanin." Komento ni Toneth sa kanya. Sabay higa ni Toneth sa queen size bed ko. Tinatawanan ko siya dahil nagrereklamo ito,bakit daw yung sa kanya single bed lang. Sabi ko nga kung gusto niya palit kami.
“Loka gusto mo ba hindi pa man ako nagsisimula magaral mapaalis na dahil lumabag ako sa rules and regulation ng dormitory.” Sagot niya sa akin.
Oo nga pala naalala ko na isa sa mga rules ng dormitory ay hindi puwede lumipat ng ibang kuwarto na walang pahintulot o instruction sa admin,kasi nakalista sa bawat pangalan ng magaaral kung saan silang kuwarto para sa kanilang monitoring.
“Oo nga noh kaya ikaw nalang pumunta dito,para magaral mas malaki ang kuwarto na ito.” Sagot nniya kay Toneth.
“Oo nga girl talagang dito ako tatambay ang suwerte mo talaga. Uy! girl oh pa flower at chocolate pa. Libre kaya ito?” Tanung ni Toneth sa akin.
Napatingin ako sa lamesa sa receiving area at nung lapitan ko may chocolate at bulaklak,ang nakalagay na note lang naman ay winiwelcome lang ako sa University. Nakita ko ang pagsimangot niya,bakit siya wala natanggap na ganun,sabi ko na lang baka lahat kuwarto sa 2nd floor,ganun ang natatanggap kapag bagong dating.
Since mga may mga sinasabi sa buhay ang mga tumutuloy dito. Kaya sabi ko huwag ng bigyan ng anu mang kahulugan ang flower at chocolate. Hindi na lang nagcomment si Toneth at niyaya na ako lumabas,baka daw naiinip na si Liza at baka magbago pa ang isip na ilibot kami sa University. Pagkatapos ko nga ayusin ang aking mga gamit ay umalis na kami ni Toneth at pumunta sa napagusapan namin na lugar kung saan namin tatagpuin si Liza.