Cristine Soriano Sa mga sumunod na araw ay naging abala na siya sa kanyang pagaaral. Kadalasan ay hindi na niya madalas kasama si Toneth dahil nagtatrabaho ito kina Dave. Nagkikita na lang kami nito kapag napasok siya sa klase nila pero pagkatapos nun ay babalik na siya ulit sa bahay ni Dave. Kahit sa pag sideline nila sa libray ay binitawan din ng kaibigan dahil hindi na kakayanin ng schedule niya kaya magisa na lang siya nagsideline sa library. Magkaganun man ay hindi naman pumapalya ang kasintahan sa pagdalaw sa kanya o kaya ay pagsundo para doon magstay sa condo nito. Laging tinatanung ni Daniel sa kanya kung may kakaiba ba siyang nararamdaman. Sabi niya ay wala naman at dumating ang kanyang buwanang dalaw. Naalala niya ang reaction at paguusap nila nung araw na iyon. “Wala ka

