Cristine Soriano Sa condo ni Daniel na siya nagpalipas ng gabi. Pagkatapos kasi nilang kumain sa isang korean restaurant ay dumiretso na sila sa condo nito at napaturo siya para sa mga assignments niya. Dahil dito parang naging routine na niya na dapat matutulog siya sa condo ni Daniel. Kahit anu kasing tanggi niya sa kasintahan ay talagang nagagawa nito ng paraan para mapapayag siya nito na matulog sa condo. Kaya sa huli si Daniel na mismo ang nagayos para tuluyan ng siyang magstay at magkasama na sila ni Daniel sa condo nito. Medyo nahihiya na din siya kapag nalalaman ng admin na minsan hindi siya sa dorm natutulog. Kaya naman napaisip din siya kasi walang sumisita sa kanya. Kung tutuusin kasi nasa rules yun na contract na pinirmahan nila na kailangan ang mga scholar students ay mags

