Daniel Valdez Kasalukuyan kaming sama samang nakain sa munting kusina ng mga Soriano. Nakikita ko sa mga mata at mukha ni Cristine ang kanyang kasiyahan sa muling pagkikita nila ng kanyang pamilya. Hindi niya mapigilang mapangiti habang nagkukuwento ang kasintahan sa mga naging karanasan habang nagaaral. Siyempre hindi sinabi ng dalaga ang mga bagay na tanging sila lamang dalawa ang nakakaalam. “Iho anu nga ulit ang pangalan mo?” Tanung ng ina ni Cristine. “Daniel Valdez po.” Sagot niya dito. “Valdez kamo, kaanu anu mo ang nagmamay ari ng Valdez foundation?” Tanung naman ng ama ni Cristine. “Hmmm pamilya po namin ang may ari ng Valdez Foundation at sa kasalukuyan ako po namamahala nito.” Sagot niya. Bigla natigilan ang mag asawa at napatingin sa isa isa. “Ibig sabihin ay mayaman ang

