Tulad ng napagusapan ay pagkatapos nilang magalmusal ay gumayak na sila para magbeach. Nagtig isa na silang sasakyan para daw diresto na sina Dave at Toneth paguwi mamaya. Dumaan muna sila sa department store at sa supermarket para bumili nga kanilang mga baon at mga gamit na gagamitin sa panligo. Nang masiguro na nila na ayos na ang lahat ng kailangan nila ay bumiyahe na sila papunta ng Batangas. Malapit ng magtanghali nung marating nila ang Resort na pagaari nila Daniel. Nauna na silang dalawa ni Toneth sa loob dahil excited na silang lumangoy sa dagat. Ang dalawa namang magkaibigan ay kinukuha ang kanilang mga dalang gamit at pagkain. Pagpasok nila sa loob ay binati sila ng nasa front desk. “Hello Mam good afternoon. Do you have any reservation?” Tanung sa kanila nito. “Naku hindi

