Cristine Soriano Walang dull moment mula ng dumating sila sa mansyon ni Lola Lucy. Dahil lagi silang napapatawa kapag bumanat na ang kanyang Ama at si Daniel. Parang mga batang nagaasaran pero pareho lang din naman daw ang ginawa sa sabi ni Lola Lucy. Kasalukuyan kaming sa living room at tinitingnan ang mga old pictures ni Inay. Masasabi ko ngang malaki ang pagkakahawig namin. Wala si Itay at si Daniel dahil sinama sila ni Lola Lucy sa opisina dahil may kailangang lang gawin si Lola Lucy doon. Nung una ayaw pa sana akong iwan ni Daniel pero napilit din siya ni Itay at sinabing huwag daw masyadong ipahalata na patay na patay sa akin si Daniel na malakas na loob niya naman talaga inaamin. Pero si Lola Lucy ang nagsabi kaya wala siyang nagawa kung hindi sumunod. Si bunso naman ay nasa eter

