Cristine Soriano At dahil nga sa gutom ay kumain na kami. Nagulat ako dahil tahimik si Toneth na very unusual kaya kinalabit ko ito at nagtatakang tumungin sa akin at nagtanung. “Bakit?” |Tanung sa akin ni Toneth. “Wala naman,ang tahimik mo kasi naninibago ako.” Nakatawang sagot ko sa kanya. “Ah! yun ba nagugutom na kasi talaga ako beshy at tingnan mo naman napapaligiran tayo ng guwapo,maliban kay Mr. Lollipop na sinira ang araw ako.” Nakasimangot nitong sagot sa akin. “Ah ok sabi mo eh.” Sagot ko sa kanya. “May gusto ka pa ba hon na food?” Tanung sa akin ni Daniel. “No I’m good na nabigla nga ata tiyan ko sa dami ng kinain ko.” Nakangiting sabi ko sa kanya. “Ok yun para tumaba ka.” Pagbibiro nito sa kanya. “Oo nga pala may nakareserve ng room sa atin. Anung gusto niyo ni Toneth?

