Daniel Valdez Kasalukuyan siyang nasa harap ng kanyang laptop ng nakatanggap siya ng tawag sa galing sa kanyang secretary. "Yes?" Tanung niya sa kanyang secretary. "Sir si Ms. Catherine Montes po ay narito. May gusto daw po siyang sabihin sa inyo pero wala po siyang appointment." Sagot ng kanyang secretary. Biglang siyang napahinto sa kanyang ginagawa at napakunot ang noo. Iniisip niya kung anu ang kailangan sa kanya ng dalaga. Noong maaga siyang umalis ay nasabi din ng kanyang secretary na pumunta din ito, hindi nga lang siya naabutan ng dalaga. "Ok let her in." Utos niya dito. Kaya hindi nagtagal ay pumasok na sa loob ng kanyang opisina si Catherine na may magandang ngiti sa kanyang labi. "Hi Daniel" Bati sa kanya ni Catherine. "What are you doing here?" Direktang tanung ni Dani

