Cristine Soriano Kasalukuyan akong nagaayos dahil special ang araw ngayon. Ngayon kasi ang araw na malalaman na namin ni Daniel ang gender ni baby. Dahil nagsagawa ang parents namin ng gender reveal party para kay baby. Naalala ko nga nung araw ng nagpa ultrasound ako. Kasama ko sina Inay at Mommy. Kinausap agad nila si Dra na huwag sabihin sa amin ang gender ni baby dahil meron nga daw silang isasagawang gender reveal party at sa kanila muna sasabihin ang gender as well as pati ang sonogram ni baby sa kanila ibibigay. At first ayaw pumayag ni Daniel dahil excited na rin siyang malaman ang gender ng baby namin pero siyempre kumontra ako dahil gusto ko din na may excitement para malaman ang gender ni baby. Kaya kahit napipilitan ay pumayag na rin siya dahil sa isang kondisyon. Ang kondis

