Daniel Valdez Kinabukasan nga gaya ng sabi sa kanya ni Cristine ay pumunta sila sa falls para maligo at magpicnic. Sasakyan na lang ni Dave ang ginamit para pumunta sa falls. Silang 4 lamang ang magkakasama ng araw na iyon dahil pinapunta ang bunsong kapatid ni Cristine sa ninang nito dahil may pasalubong ito galing abroad. May tampo pa din sa kanya si Toneth dahil sa sinabi nito sa nanay ni Cristine. Sabi nga niya sinabi niya lang kung ano sa tingin niya ang totoo kaya lalong nalukot ang mukha ni Toneth ng marinig nito ang dahilan niya kung bakit ganun ang sinagot niya. Nakarating na sila sa falls at una nilang ginawa ay ang maghanap ng puwede nilang pagpuwestuhan para maibaba ang kanilang mga dalang pagkain at mga pamalit kapag naligo na sila. Nung makahanap sila ng maayos na puwest

