Daniel Valdez Hindi niya alam kung paano siya nakarating sa hospital na sinasabi ni Lola Lucy kung saan nakaadmit ang asawa niya ng hindi siya nababangga o naaksidente sa pagmamaneho, dahil sa lakas ng kaba ng kanyang naramdaman. Kaya ng marating niya ang hospital na sinabi ni Lola Lucy ay agad niyang hinanap ang kuwarto ng asawa. Inayos niya muna ang sarili at huminga ng malalim para maging presentable kapag kaharap niya si Cristine, dahil ayaw niyang magalala ito kapag makita siya nitong wala sa ayos. Kumatok muna siya bago nagdecide na pumasok sa loob. Pagpasok niya sa loob ay nginitian siya ni Lola Lucy pero nahahalata ang lungkot at pagalala nito sa mukha kaya naman agad niyang nilapitan ang tiningnan ang kalagayan ng asawa na kasalukuyang walang malay. Kahit kalaking lalaki niya a

