GP #5

1580 Words
Gemini Leondale   "Oo nga girl grabe pala ang pagkapahiya ni Cassandra bakit naman kasi umamin amin pa siya kay fafa Silver na gusto niya ito eh alam naman niya ang mga nangyayare sa mga babaeng umaamin sa kanya at iyon ay nagiging luhaan sa huli" rinig kong kwentuhan ng dalawang babae sa may bench at naging interesado bigla ang tenga ko nang marinig ko na  si Silver ang pinag uusapan nila kaya napahinto ako sa paglalakad at nagkunyaring nagtetext para hindi nila mahalata na nakikinig ako sa pinag uusapan nila.   "Oo nga girl grabe lang iyon napakadami pa namang tao doon sa park kaya talagang nakakahiya iyon atsaka alam mo ba kita ko rin sa picture na yinakap niya si fafa Silver kaya talaga namang ibayong pagkapahiya ang natamo niya although kunti lamang ang mga sinabi daw ni fafa Silver pero sapol kakatakot talaga siya ano pero ang gwapo kasi yiieee" saad naman nung isa kaya napag isip ako sino kaya ang tinutukoy nilang Cassandra.   At dahil sa malelate na ako sa first class ko ay nagpatuloy na ako sa pagpunta sa classroom namin kahit sinong madaanan ko ay pare parehas lamang ang topic nila at yun ay ang babaeng nagngangalang Cassandra na kawawa daw dahil sa pagpapahiya sa kanya ni Silver dahil lamang sa pagtatapat nito na gusto niya ito.   Nang makarating na ako sa classroom namin ay kunot noo akong pumasok sa loob dahil himala na walang Spade na bumati saakin pagpasok na pagpasok ko pa lamang.   Dumiretso na ako sa upuan ko at dun ko nakita si Lia na busy sa kakabrowse sa cellphone niya "Oy babae browse ka nang browse jan sa cellphone mo eh kong magreview ka kaya sa Accounting natin eh alam mo namang may quiz tayo ngayon" saad ko agad sa kanya pagkaupong pagkaupo ko pa lamang.   Pero tila ata nabingi ang babaitang ito dahil hindi man lamang ako nilingon kaya tiningnan ko ang tinitingnan nito sa cellphone niya at labis akong nagulat dahil tungkol ito doon sa pinag uusapan ngayon ng mga estudyante magmula sa may gate hanggang dito sa classroom.   Nakisilip parin ako sa tinitingnan niya kaya nakita ko ang babae at parang pamilyar siya saakin kaya napaisip ako kong saan ko nakita itong babae na nagngangalang Cassandra.   "Aha!" medyo napalakas ang sigaw ko nun kaya napalingon sa pwesto ko ang iba kong mga kaklase pati na rin si Lia na katabi ko dahil sa hiya ay nagsorry na lamang ako sa kanila at saka bumalik na sila sa mga ginagawa nila.   "Bakit ka ba sumisigaw dyan beks?" tanong ni Lia saakin habang humaharap saakin tumingin tingin naman ako sa mga kaklase ko at nang makita kong may kanya kanya silang mundo ay humarap muli ako kay Lia na tila reading ready na makinig sa sasabihin ko oh kita mo tong babaeng ito basta chismis attentive hayysss.   "Kasi naman bes yung babae na yan na nasa picture na nagngangalang Cassandra ay nakita ko na at alam mo ba nandoon ako mismo sa lugar nakong saan daw siya pinahiya ni Silver" saad ko sa kanya at kitang kita ko naman na talagang interesadong interesado itong marinig ang mga susunod ko pang sasabihin.   "Oh tapos? Nakita mo ba mismo ang eksena?" tanong niya saakin pero umiling lamang ako.   "Alam mo kasi bes that time ay nandoon na kami sa pwesto namin ni Spade dahil dyan sa park na yan mismo kami nagdate ni Spade at nakita ko sila Silver noon at ang babaeng iyan na magkayakap nong nagsindi ang mga lights sa park" kita ko ang panlalaki ng mga mata niya dahil alam niya naman na gustong gusto ko si Silver at halata sa boses ko ang lungkot.   Kaagad namang hinaplos niya ng marahan ang likod ko dahil sa sobrang lungkot ko pa din "Okay ka lang ba beks?" tanong niya saakin kaya nagpumilit akong ngumiti para ipakita sa kanya na magiging okay lang ako.   "Pero wait sabi mo ay nandoon ka sa place na pinangyarihan mismo pero sabi mo hindi mo nakita ang eksena ng pagkapahiya ni girl eh pano nangyare yun?" tanong niya saakin.   "Eh alam mo naman girl na gustong gusto ko siya diba at nung time na nakita ko sila syempre nalungkot ako and at the same time nakaramdam ako nang inggit kay Cassandra kaya nang dumating si Spade buhat ang ibang mga pagkain namin ay inaya ko siya na sa iba na lamang kami pumwesto dahil ayaw ko namang e-spoil ang date namin dahil nag effort yung tao kaya ayun hindi ko naman alam na may mangyayaring ganon in fact inisip ko nga na girlfriend niya iyon kaya nasaktan talaga ako" mahabang saad ko pero sa mahinang boses lang.   "Ahh ganon ba beks ang hirap naman talaga kasing magkagusto sa isang Silver Nick Oliver Briquintosh dahil bukod sa snob ito masungit at out of the world siya palagi" saad niya na sadyang totoo naman.   "Yeah ang hirap nga but I dont know kong bakit hindi ko siya magawang hindi magustuhan behind of his attitude and cold treatment among peoples who approaches him" saad ko dito na ikinatango naman niya.   Pati ako sa isipan ko ay napapaisip kong pano nga ba na hindi mo magawang hindi magustuhan ang isang katulad ni Silver at kaagad naman pumasok sa alaala ko ang ganap kahapon kong saan sagad ang pagkapahiya ko at sa harap niya pa mismo although wala siyang sinabing kahit ano by the way he looks at me kahapon alam kong naging katawa tawa ako sa harapan niya.   Pero naalala ko yung magandang boses niya at ang pagkanta nito sa music room. No one knows na ang isang Silver ay marunong palang kumanta alam ko ang lahat tungkol sa kanya dahil lagi ko siyang iniistalk sa social media accounts niya pero wala doon sa mga information ang nagsabing magaling pala itong kumanta and I do believe na isa ito sa mga hidden talents niya ang I'm such a lucky admirer na makatuklas ng isa sa mga talento niya.   Napatigil ako sa pag iisip ng dumating na ang prof namin at kaagad na kaming nagquiz.   Pagkatapos na pagkatapos nangbquiz namin ay kaagad na hinila ako ni Lia papuntang soccer field.   "Oy babae hinay hinay naman sa pagkaladkad masyado kang excited" saad ko dito dahil ang bilis nitong tumakbo.   "Eh gusto kong makita si fafa Clein eh" malanding saad nito ayun naman pala kasi haharot pala pagdating doon napailing na lamang ako at saktong pagkadating namin sa soccer field ay nakita namin sina Spade na nagsosoccer.   Marami rin ang mga estudyanteng nandito at may mga banner pang dala na para bang isang laban ang nagaganap ngayon.   Nang makaupo na kami sa bench ay kaagaf kaming tumutok sa paglalaro nila Spade kita ko ang pawisan nitong mukha pero hindi parin ito nakabawas sa kagwapuhan niya seryosong seryoso ito sa pagpapraktis.   "Go go fafa Spade! Go go fafa Clein" nagulat ako ng biglang sumigaw ang katabi kong loka  loka kaya naman napatingin sila saamin at ang mga kababaihang nanonood rin ng praktis nila nakita kong ngumiti ng malapad si Spade at kumaway pa saamin kumaway rin angisa pang kateam nito na alam kong si Clein.   Napayuko na lamang ako dahil sa hiya dahil sa atensyong nakapukol saamin ilang beses kong minura sa isipan ko si Lia.   Nang matapos ang praktis nina Spade ay kaagad at nakangiti itong lumapit saamin kasama yung Clein na sinasabi ni Lia na crush niya kaya naman itong katabi ko ay panay ang hampas ng mahina saakin.   Kilig na kilig ang gaga kay Clein daw tiningnan ko naman ang lalaki. He's handsome too and he has a chinito eyes and a cute smile. Nang makalapit sila saamin ay kaagad akong binati ni Spade.   "Mabuti naman at nanood kayo ng praktis namin mylabs nakakaboost ng energy ang makita kang nanonood saakin maglaro magaling ba ako kanina mylabs?" tanong nito habang nagpupunas pa ng pawis.   Kahit pawis na pawis ito ay mabango parin ang amoy niya.   "Hmmmm kinaladkad lang naman ako ng bruhang iyon eh" saad ko sa kanya at tinuro si Lia na busy kakaharot kay Clein.   Natawa naman siya at nagsimula na kaming maglakad dahil dadaan pa sila sa locker room ng team nila.   Nasa may daanan kami ng nakita kong nahihirapan siyang abutin ang likod niya para punasan ng towel.   Kinuha ko sa kanya ang towel at pumunta sa likuran niya nagulat pa siya dahil sa pagkuha ko sa kanya ng towel kaagad kong pinunasan ang likod niya habang pinupunasan ko ang likod niya ay nakita ko sa gilid ko ang isang taong laging gumugulo sa isipan ko nakatingin ito saakin especially sa kamay ko na nasa loob ng damit ni Spade habang pinupunasan ito kita ko rin na nasa likod niya ang mga kateam niya may nakita akong inis sa mga mata niya pero agad ding nawala iyon ng magkatinginan kami sa mga mata.   Kaagad na naging poker face ang ekspresyon niya saka nagpatuloy sa paglalakad at nagsipagngitian pa sa gawi ko ang mga kateam niya.   Inalis ko na ang kamay ko sa likod ni Spade dahil tapos na akong punasan siya.   "Ahmmm salamat mylabs" saad pa niya habang namumula ang mukha niya.   Pumunta na kami sa locker room ng team nila dahil sabi niya ay sabay na daw kaming umuwi habang naglalakad kami ay salita lang siya ng salita pero hindi nakatuon sa sinasabi niya ang atensyon ko kundi sa nakita kong ekspresyon kanina sa mga mata ni Silver.   Bakit siya nainis tanong ko sa sarili ko.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD