CHAPTER 4

1017 Words
Hindi ko alam kung susundin ko ba. Hindi ko alam kung totoo ba ang lahat ng iyon. Pero iba ang kutob ko at kinakabahan na naman ako. Ayoko naman din na maniwala sa isang pirasong papel lang. Pero paano kung totoo? Paano kung kailangan niya nga ng tulong? Parang hindi ko kakayanin na hayaan na lang siya doon at saktan nung mga lalaking ‘yon.  Alam kong hindi ako sigurado dito pero kahit medyo maulan pa rin, dinala ako ng mga paa ko papunta sa may coffeeshop. Kinakabahan ako dito at wala namang kasiguraduhan pero wala naman sigurong mawawala kung itutuloy ko.  “Oh, Trishia! A-anong ginagawa mo rito?” tanong sa akin ni Levi nang makita niya akong naglalakad papunta sa shop. Nasa labas siya sa bandang entrance ng coffeeshop at nag wawalis. Gabi na rin kasi at wala pa gaanong mga customer.  Pero panigurado akong maya maya lang niyan at dudumugin na naman ‘to since malapit lang sa private library dyan sa hindi kalayuan. Mga ilang kanto lang mula dito. Ang swerte nga nitong shop na ‘to at dayuhin talaga ng mga tao.  Nakahawak pa sa bulsa ng jacket ko ‘yung mga kamay ko habang marahan na naglalakad dahil madulas at medyo basa pa ang kalsada.  “May hinahanap lang ako. Kamusta ka naman? May kasama ka na ba diyan mag bantay sa shop?” tanong ko kay Levi.  Nang makarating na ako sa loob, wala akong choice kun’di bumili ng kape at omorder habang wala pa akong nakikitang kakaiba mula sa labas. Maghihintay na lang muna ako at magmamasid sa labas at baka mamaya ay makita ko si Aizen.  “Heto na ‘yung kape mo. Kanina ka pa palingon lingon diyan. Mababali na yata ‘yang leeg mo sa kakalingon mo riyan eh. Ano bang hinahanap mo?” Agad naman siyang natawa. Pagkalapag niya ng kape sa mesa.   “Or should I say, sino? Ang hinahanap mo at mukhang hindi ka na mapakali simula nang makapasok ka dito?” dagdag pa niya at umupo siya sa tapat ko.  Mabuti na lang at wala pa gaanong customer at p’wede pa niya akong samahan dito sa table ko. Mabuti na lang din at wala pa si sir Coco at baka pati ‘tong si Levi ay mawalan na rin ng trabaho.  Huminga ako nang malalim at saka umiling. Sa totoo lang, hindi ko naman talaga alam kung may hinihintay ba ako dito. Pero iba kasi talaga ang pakiramdam ko ngayon. Natatakot ako na kinakabahan na hindi ko maipaliwanag kung bakit. Dahil lang sa isang pirasong papel na ‘yun.  “Hindi lang ako mapakali, Levi. Alam mo naman, nawalan ako ng trabaho, wala pa akong matutuluyan dahil pinapalayas na ako nung landlady doon sa tinitirhan ko.”  Nahihirapan akong tumingin sa mga mata ni Levi dahil nagsinungaling ako. Alam ko namang isa siya sa pinakamalapit kong kaibigan at ayoko naman dagdagan pa ‘yung ala-lahanin niya dahil alam kong madami na siyang problema at ayoko na makidadag pa.  Tumagal ng halos limang minuto ang usapan namin. Hanggang ngayon pala ay wala pa ring pumapalit sa akin. Pero tinanggal pa rin ako.  “Eh sis, wait lang at may customer. Maiiwan muna kita diyan ah? Pag may kailangan ka pa tawagin mo lang ako.” paalam sa akin ni Levi.  Agad naman akong tumango at nginitian siya. Sinundan ko siya ng tingin papunta sa kahera at saka inasikaso na niya ang order niya. Lumingon ulit ako sa labas dahil glass naman ang wall nitong coffee shop kaya nakikita ang mga tao sa labas.  “Thank you!” napalingon ako sa isang baritonong boses ng lalaki na kakabayad lang mula cashier at kasalukuyang naglalakad palabas.  Agad naman kumunot ano noo ko dahil pamilyar ang hulma ng katawan noong lalaking naglalakad palabas. Hinayaan ko na lang at akmang hihigop na ako ng kape nang bigla siyang lumingon sa akin at nginitian ako.  Muntik ako mapaso sa init ng kape dahil nagulat ako nang malaman ko na si Franco iyon. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Ang dami kong tanong sa isip ko at hindi na ako makagalaw sa kinauupuan ko dahil sa pag ngiti ni Franco na akala mo ay masamang balak.  Sandali akong nawala sa sarili. Paglingon ko ulit sa pintuan ay wala na siya at lumingon ako sa labas. Nakita kong naglalakad siya na parang wala lang kaya agad kong kinuha ang bag at phone ko. Akmang paalis na ako nang biglang magsalita si Levi kaya napahinto ako at nilingon siya.  “Hindi ka pa tapos ah? Saan ka pupunta? Bakit parang nagmamadali ka? Kilala mo ba ‘yung cute na lalaking customer na ‘yun?” sunod sunod na tanong sa akin ni Levi. Hindi ko tuloy alam kung sasagutin ko ba ‘yun o susundan si Franco sa kung saan man siya papunta.  “Sorry, Levi. May hinahabol kasi akong tao. P’wede bang sa’yo na lang ‘yung kape ko? Sorry talaga! Nagmamadali kasi talaga ako!”  Hindi ko na hinintay na sumagot pa si Levi dahil alam ko namang mang-uusisa lang ‘yon at sigurado akong matatagalan pa kung sakali kaya hindi ko na siya hinintay pa na magsalita saka binilisan ko na lang sa paglalakad para mahabol ko si Franco at baka kung ano na ang ginawa nun kay sir Aizen.  Sa kakamadali ko, muntik na ako mapatalon sa gulat nang bigla akong hinarangan ni Franco sa kotse kaya nanlaki ang mga mata ko. Nilapitan niya ako kaya agad akong napaatras. Saka ko na lang napag tanto na pader na 'yung nasa likuran ko.  Ang bilis ng t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ni Franco o kung ano man ang balak niya pero nilakasan ko ang loob ko.  “Looking for someone?” isang baritong boses ang bumulong sa mga tainga ko.  Huminga ako nang malalim saka nagsalita.  "Nasaan si Aizen?" tanong ko sa kaniya.  "Gusto mo talagang malaman kung nasaan siya? Sumama ka sa akin at dadalhin kita sa kung nasaaan man siya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD