Nagising ako na gabi na at pakiramdam ko, ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi ako ginising kaya mukhang wala pa rin si Aizen. Huminga ako nang malalim at saka napalingon sa orasan na nakasabit sa taas ng pinto. Halos gabi na at hindi pa rin ako kumakain dahil wala si Aizen. Nanghinayang ako sa mga niluto ko. Alam ko naman na wala naman akong dapat na ika-excite pero heto at nag eexpect ako. Bakit ba kasi ako nasanay sa presensya ni Aizen. Ngayon ay hinahanap ko na tuloy siya. Gusto ko lang naman maging okay ang lahat pero bakit naman sa tuwing pinipigilan ko ang nararamdaman ko, mas lalo pa ‘tong lumalalim. Huminga ako nang malalim saka nakatingin sa kawalan habang nag iisip ng kung ano ano. ‘Yon lang naman kasi siguro ang magagawa ko. Wala naman akong ibang pwedeng gawin dito bukod sa mg

