“Trishia!” rinig kong sigaw ni Aizen. Malayo pa man siya at hindi ko pa man nakikita ang mukha niya, alam ko na siya iyon. Galit na galit ang boses niya tila ba ay hindi na siya makapag pigil oras na makita niya si Eric. “Tangina mo Eric!” Isang malakas na suntok ang sumalubong kay Eric pagkalingon niya kay Aizen. “Aizen!” sigaw ko para awatin siya dahil hindi ako maka tayo para pigilan siya dahil nakatali pa rin ako. Agad na pinunasan ni Eric ang labi niyang dumugo dahil sa lakas ng suntok ni Aizen. Mas lalo akong kinakabahan. Hindi ko alam ang takbo ng utak nila kaya iyon ang ikinakatakot ko. Akmang susugurin na ng mga kasamahan ni Eric si Aizen pero pinigilan niya ang mga ito at saka pinaalis kaya kaming tatlo lang ang naiwan sa silid na ‘to. “Hindi mo magugustuhan ang gagaw

