Nagpaalam sa akin si Kaii na hindi muna niya ako susunduin dahil may mga inaasikaso pa siya. Okay lang naman sa akin ‘yun dahil naiintindihan ko naman kung bakit. Mabuti na lang at wala na kami gaanong ginagawa sa school dahil natapos ko na. Kaya ngayon, sa tingin ko ay kailangan ko na sigurong ayusin kung ano man ang nangyari sa amin ni Aila. “Oh, Kelly! Napadaan ka?”tanong sa akin ni Tita Ailyn nang dumaan ako sa bahay nila para personal na kausapin si Aila. Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang nagsalita ang Mama niya. “Ah, gusto ko lang po sanang makausap si Aila. Nandyan po ba siya?” tanong ko pabalik sa Mama niya na may halong pagdadalawang isip at puno ng kaba. Parang wala na akong mukhang maihaharap kay Aila pagkatapos ng lahat ng mga sinabi ko sa kaniya. Nandito ako n

