Lumipas ang tatlong araw, ay dumating na ang araw na ihahatid na namin si Tyler sa huling hantungan. Huling pagkakataon na makikita namin siya. Nakatulala ako habang nakaupo sa simbahan. Hindi pa rin ako makapaniwalang sa ganito kami matatapos. Nandito ang lahat ng mga kamag-anak, kaibigan at pamilya ni Tyler. Masakit pa rin sa akin na ganito ang nangyari. Na sa ganitong paraan matatapos ang nagsisimulang pamilya namin ni Tyler. Hindi na pumunta si Alice. Hindi ko alam kung bakit mas pinili niyang hindi pumunta. Napaliwanag na sa akin lahat ni mama ang nangyari. Lahat sila may alam na anak ko si Louella. I wanted to get mad for keeping the truth behind but I guess getting mad wouldn't help us. After the accident, three years ago, I was pregnant. Mabuti na lang at hindi ako nakunan. K

