Girl! You're like an Asian model!" hindi makapaniwalang sambit ni Amber habang nakaupo sa sofa, hawak ang kanyang cellphone at nakatitig sa akin mula sa salamin. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin matapos ang ilang oras na pananatili naming dalawa sa salon. Ganitong ganito ang kulay ng buhok ko dati. "Asian naman talaga ako! Baliw ka talaga!" Napailing ako habang nakangising tinititigan ang sarili sa salamin. "Kasi naman! Ganyan yung ayos mo noong college. Pero mas bagay sayo ang straight na buhok!" "Bakit hindi ba bagay sa akin yung natural kong buhok?" Nagtaas ako ng kilay habang nakatingin sa kanya. "Bagay naman, mukha ka ngang citizen talaga ng Canada eh, pero mas bagay sa'yo ang bago mong ayos ngayon. Tignan ko lang kung hindi mo pa makuha ang loob ni Tyler," Natatawang sambi

