Chapter 23 "Ilan ba kayong magkakaibigan, Blue? This place is so wide, huh." manghang sabi ko kay Blue habang nililibot ko ang mga mata ko sa kabuuan ng condo na pagmamay-ari daw nilang magkakaibigan. Mukhang mayaman sila kasi buong floor ay condo nila. Nandito na lahat and it's as if you're in the real house. White and black ang motif ng lugar. "Apat lang kaming naririto. 'Yong dalawa kasi, may asawa na at hindi na masyadong naglalagi dito. 'Yong isa, may anak na siya and sometimes dito sila natutulog ng anak niya." Sabi ni Blue mula sa aking likuran. "Really? So is there any chance na ma-meet ko ang mga kaibigan mo?" Lumingon ako sa kanya as I found his face grimace. "What? Ano na naman ang nasabi ko?" Lumapit ako sa kanya at pinulupot ko ang aking mga braso sa kanyang bewang. I belie

