Mula kagabi ay hindi pa ni isang beses man lang na-contact ni Isagani ang dalaga kaya heto si Anina ngayon, nasa venue ng rehearsals at tulala. Nalulungkot siya kapag iniisip niya kung gaano ba talaga kaimportante ang inasikaso nito kagabi na ni hindi man lang siya nito pinakinggan. Wala naman siya sa posisyon para magreklamo dahil isang busyng tao ang minahal niya. Kailangan niya iyong tanggapin. Kailangan niyang tanggapin na hindi sa lahat ng oras, nandiyan sa tabi niya ang binata. "Ms. Montes!" Napakurap-kurap si Anina nang marinig niya ang apelyido niya. Kung hindi siya nagkakamali, it is Wade. At tama nga siya. Nasa covered court sila ngayon ng Isla Catalina kung saan nagaganap ang rehearsals at habang break time pa ay naupo muna sa bench ang dalaga. Unti-unting naglakad si Wade s

