Akala ni Anina ay hanggang doon na lang 'yon. Parang wala lang naman kay Isagani ang mga sinabi niya, e. Sanay ba siyang pumuri ng mga babae? Pero bakit parang binawi niya naman sa dulo? Ano'ng sabi niya? Maingay ako? Aba, kahit in-english niya iyon ay naintindihan ko 'yon ng maliwanag na maliwanag! Wika ni Anina sa kanyang isipan. "Pshh. . .Tatay, h-huwag kayong maniwala diyan sh-sha k-kanya. K-Kas-si, s-sinasabi niya lang y-yan dahil nasa h-harapan niya k-kayo. W-Wala akong l-laban sa p-pers lab n-niyan, e." "P-Pers lab? S-Sino?" Tahimik lang si Isagani na nakikinig sa dalawa. He can see the sadness in the eyes of Anina behind her beautiful smile. Her eyes look teary too. Para bang pinipigilan niya lang maluha. She is such a cry baby. "Haha!" tila nababaliw na tawa ng dalaga. "Smal

