Nang makarating sa opisina kinabukasan si Anina ay iniwan niya muna ang designs niya sa lamesa ni Isagani. Nag-banyo muna siya saglit. Kabado siya dahil ngayon na magpapatawag ng meeting si Isagani para silipin ang designs nila para makapag-bigay siya ng critique. Walang katao-tao sa opisina ni Isagani nang pumasok si Mikaela. Napakunot noo siya ng makita ang brown envelope sa lamesa ni Isagani. Dahil sa sobrang kyuryosidad niya ay hindi niya napigilan ang sarili na buksan iyon at tingnan kung ano ang laman ng envelope. Halos mabitawan niya iyon nang makita niyang naglalaman iyon ng designs ni Anina. "H-How can she make designs like these?? B-Bakit ang g-gaganda?" hindi makapaniwalang aniya sa sarili. Ewan niya ba at hindi siya natuwa nang makita niya ang designs ni Anina. It didn't

