Habang nag-iikot ikot sila sa loob ng botique para mamili ay sunod lang nang sunod si Anina sa binata. Mukhang ito pa ang mabusisi sa bibilhin at pipiliin imbes na si Anina. "This one, it's decent. The fabric is also good. I like this. Take it." Napangiwi na lang si Anina. "E? Seriously? Ako ba talaga ang pipili, o ikaw?" But on the brighter side ay kinikilig lang siya kasi ang binata mismo ang pumipili ng maisusuot niya. Just just so sweet for her. Kailangan na lang muna niyang sulitin ang arawna 'to na mukhang nagpapakabait ng todo si Isagani. Akalain mo 'yun at pangiti-ngiti na siya, tumatawa na rin, nagbibiro na rin kasama niya. Hindi na ito nagsusungit. Pero anong malay niya at baka ngayon lang din naman ito. "Oh, sorry. But I really think this looks good on you. As I have notice

