Kung si Anina lang ang papipiliin ay ayaw na nga sana niya na bumalik na lang sa loob ng venue. Gusto niyang mag-iiyak na lang dito sa loob ng comfort room pero hindi niya rin magawa dahil baka masira ang make-up niya at mahalata pa ng lahat nakaiiyak niya lang. Sobrang sikip tuloy ng dibdib niya ngayon dahil kinikimkim niya ang lahat ng nararamdaman niyang sakit. Hindi niya puwedeng iiyak. Hindi niya puwedeng isigaw o ilabas man lang. Pinagmasdan niya ang sarili niya sa salamin. Mapait na lang siyang napangiti habang pinagmamasdan ang sarili. Mukha siyang kaawa-awa. Behind her make up, nakikita niya ang mukhang basahan na itsura niya. Marami-rami ang nagsasabi na maganda siya, pero ni hindi niya iyon kayang paniwalaan. How can she believe them kung mismong kaisa-isang lalaki na pinangar

