Nakatitig lang si Isagani sa cell phone niya na kanina pa ring nang ring. Panay ang tawag sa kanya ng mommy niya. For sure nanggagalaiti na iyon dahil ni isa ay walang sinagot si Isagani. Alam naman niya na pauuwiin lang siya nito. Alam naman niya na nandoon pa rin si Mikaela ngayon kahit na sinabi na niyang pauwiin ito. Na sa sala sila ngayon kasama ng nanay at tatay ni Anina. "Hindi mo ba talaga sasagutin ang mommy mo, Sir?" nag-aalalang tanong ni Anina. Walang ekspresyon ang mukha ni Isagani. "Wala akong planong sagutin ang tawag niya. What for? Alam ko namang pipilitin niya lang akong umuwi. I can't go home and just see Mikaela at home, She'll just ruin my wonderful night." Lihim naman at simpleng napangiti si Anina nang sabihin nito ang 'wonderful night' iniisip niya tuloy kung i

