Chapter 2

1051 Words
Chapter 2: Naglalakad sa dalampasigan si Kevin. Nakapamulsa ang dalawa niyang kamay habang inililibot ang paningin sa magandang tanawin. Tumunog ang kanyang cellphone. Napangiti siya nang makita at mabasa ang mensahe. Huminto siya sa paglalakad at nagtipa ng ire-reply niya. Naupo siya sa isang upuan na malapit sa lilim ng punong niyog. May nagkakasiyahang magbarkada sa kalapit na Coffee House na pinagbilhan niya ng kape kanina. Malayo-layo naman iyon at hindi niya masyadong makita ang mga mukha nito. Ibinalik niya ang paningin sa cellphone bago idi-nial ang numero ng kanyang kababata. Tumayo siya nang sagutin ng dalaga ang tawag niya. "Hello," nakangiting bungad niya rito. "Hi! Kamusta ka?" excited na tanong sa kanya ng kausap. Ngumiti si Kevin habang napapakagat-labi. Kinikilig siya. Naglakad-lakad siya habang kausap ang dalaga upang i-distract ang sarili. "Nandito ako sa tagpuan natin," aniya. Narinig niya itong suminghap bago matinis na tumili. "Seryoso? Nandito rin ako!" rinig niyang bulalas nito. "Pupunta ako riyan," mabilis nitong saad bago ibinaba ang tawag. Napangiti na naman siya. Hindi niya kasi inaakalang nandito ang dalaga. Ang alam niya ay may exam ito ngayong araw habang siya ay kahapon pa natapos ang paunang exam. "Hi!" kumakaway na bati nito sa kanya. Sinalubong niya ito nang mahigpit na yakap. "I miss you," bulong pa nito sa kanyang tainga. "Yeah," he said. "Sino ang kasama mo?" tanong ng dalaga kay Kevin. "Hmm. I'm alone," sagot niya. "Kain tayo?" alok nitong tanong sa kanya. Ngumiti siya bago tumango. Pumasok sila sa isang Diner malapit lang din sa Coffee House. Nag-order sila ng light Dinner dahil malapit na rin namang dumilim ang paligid. Kevin enjoyed his bestfriend's company. Wala siyang ibang ginawa kundi ang titigan ito. "Kamusta ang klase mo?" tanong niya sa dalaga. "Mmm. Ayos naman. Hindi pa ako nakakapag-decide sa kursong kukunin ko. My friends are taking medicine. I want to pursue Nursing pero hindi pa ako sure. Hihintayin ko pa ang sasabihin ni Mama," anito. Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi nito. "What! I thought you don't have a Mom?" nalilito niyang tanong sa kababata. Kaagad itong natigilan dahil sa sinabi niya. "A-Ah, hehehe. May bagong girlfriend si Papa. Gusto niya kasing tawagin ko siyang Mama," pagkukuwento nito. Napangiti siya. "Good for you," komento niya. Dahil tapos naman na siyang kumain ay hinintay niya na munang matapos ang dalaga bago niya hinarap ang kanyang cellphone. Alam niyang marami na ngayong text na natanggap niya. "Do I need to take you home?" tanong niya sa dalaga. Wala silang label ngunit nagkaintindihan silang dalawa. Their feelings are mutual. Umiling ito. "Hindi na," pigil nito sa kanya. Ngumiti si Kevin bago tumayo. Pansin niya ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha ng dalaga. "Mauuna na ako sa 'yo," paalam niya rito bago siya naglakad palabas ng Diner. Kaagad niyang binuksan ang kanyang cellphone. Ilang beses iyong tumunog dahil sa mga mensaheng kanyang natanggap. Lahat iyon ay galing kay Yvonne. Ang kanyang girlfriend sa kasalukuyan. Alam niyang mahiging masama siya sa paningin ng nga tao dahil may kinakalantari siyang iba. Bumuntonghininga siya bago binasa ang mga iyon. Hindi niya kasi masabi-sabi sa dalaga na may nagugustuhan na siyang iba. Matagal na silang magkakilala ng dalagang si Kristine. Sabay silang lumaki at sabay ring nag-aral. Ngayong kolehiyo lang sila nagkahiwalay ni Kristine. Ngunit nang makilala ni Kevin ang dalagang si Yvonne ay kaagad siyang nahumaling dito. Niligawan niya ang dalaga ngunit masyado itong matigas kaya naman ginawa niya ang lahat upang mapasagot niya ito. Unti-unti ay nagiging mabait sa kanya ang dalaga hanggang sa tuluyan na niya itong napaamo. Hindi naman niya namamalayang nawawalan na siyang ng panahon para sa kababata niya hanggang sa nagtampo na ito sa kanya. Ngayong bumabalik na ang dating sigla ng kanilang pagkakaibigan ay ayaw na niyang maulit muli ang nangyari sa nakaraan. But he love Yvonne, pero nahahati ang puso niya sa dalawang babae. Alam naman ng dalagang si Kristine na may nobya siya ngunit hindi nito alam kung sino. Kaagad siyang umuwi at nagpahinga. He charged his phone while reading some of his books. Kailangan niyang ipasa ang kanyang exam sa susunod na araw dahil nakasalalay roon ang kanyang kinabukasan. Sa kalagitnaan ng kanyang pagbabasa ay tumunog ang kanyang cellphone. Napaigtad siya dahil sa gulat. Hawak-hawak niya ang kanyang dibdib bago tiningnan kung sino ang tumatawag. It was Yvonne. Alam niyang mag-aaway na naman sila dahil nakalimutan niyang mag-update sa dalaga. Ito ang pinakaayaw niya sa nobya. Masyado itong mahigpit sa kanya. Marami itong sinasabi at higit sa lahat, perfectionist ito. Naririndi na siya sa palagi nitong pagpapaalala sa kanya. She's just a nuisance for him. Pakiramdam niya ay sinasakal siya nito. Buntonghininga niyang sinagot ang tawag ng dalaga. "Why are you not answering my calls?" bulalas nitong tanong sa kanya. Napairap na lamang siya sa kawalan. "May ginagawa ako," matamlay niyang sagot sa nobya. "Come on, Kevin! It's always been like this! Palagi ka na lang nagdadahilan! Puwede ka namang mag-text! Hindi itong pinaghihintay mo ako!" kaagad na singhal nito sa kanya. Napakamot na lamang sa ulo si Kevin. Nagsisimula na naman ang dalaga. "I'm busy," malamig niyang usal. Natahimik ang kabilang linya dahil sa sinabi niya. "Right! You're always busy! D*mn it!" malakas nitong singhal bago ibinaba ang tawag. "Ha! Ang daldal niya, ah! Hindi ko naman siya iniistorbo kapag siya ang maraming ginagawa!" malakas niyang singhal bago ibinalik ang cellphone. Naisipan niyang patayin na lamang iyon upang hindi siya matawagan ng dalaga. Sigurado kasing tatawag na naman ito sa kanya. "Tsk!" "Bakit ba kasi niligawan ko pa siya? Ang kulit!" naiinis na singhal niya sa sarili. Nasa laptop ang paningin niya nang makatanggap siya ng mensahe mula sa nobya. Nanlalaki ang mga mata niya dahil sa inis. "Hindi talaga siya titigil?" kunot-noong tanong niya sa sarili. Hinayaan niyang tumawag nang tumawag ang dalaga hanggang sa mapagod ito sa kanya. "Bahala siya," aniya sa sarili bago nagpatuloy sa pagbabasa. Naka-silent naman ang notifications niya kaya hindi siya madidistorbo. Nang mapagod ay kaagad siyang nahiga. Tiningnan niya ang kanyang messages sa internet. Pati sa DMs niya ay may mga mensahe na galing sa dalaga. Inis niyang pinagbubura iyon. Nabasa niya ang message sa kanya ni Kristine at iyon lang ang ni-replayan niya. Nakangiti niyang binuksan ang kanyang cellphone. He blocked Yvonne's number at magdamag silang magkatawagan ng kababatang si Kristine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD