"Manong, magte-text na lang po ako mamaya pag lalabas na ako." pagpapaalam ko sa family driver namin ng makababa na ako ng sasakyan. "Sige po, Ma'am." Masigla namang sagot ng driver namin bago umalis. Napabuntong hininga ako bago naglakad papasok sa sa loob ng event hall. Habang naglalakad ako sa red carpet na nakahanda ay ramdam ko ang pagsunod ng mga camera sa bawat galaw ko. Miangat akong naglakad dahil natatakot akong matapilok sa suot kong gown, though confident naman ako kahit pa ang suot ko ay five inches heels. Nandito kasi ako ngayon sa isang charity event, tinalaga ako ni Papa para umattend sa event na ito dahil nasa ibang bansa sila ngayon ni Mama. Usually kasi silang dalawa talaga ang pumupunta sa mga ganitong event pero mula ng naging parte na ako ng corporasyon ay halos ak

