Pabalik balik ang tingin ko sa kulay sa make up set na nakalatag sa harapan ko ngayon. Hindi ako sigurado kung anong kulay ang babagay sa ayos ng mukha ko ngayon. Though simple lang naman ang suot at ayos ko ay gusto ko magsasakto pa rin sa makeup ko. Sa totoo lang ay natatamad na akong pumunta ng borthday party kanina ng ayain ako ni Krissa pero ng pigilan ako nii Nick para pimunta roon ay biglang nabuhay ang interes ko para sa party, Ano kayang meron sa party na iyon para ganoon na lang ako pigilan ni Nick? Napatingin ako sa orasan, pumatak na ang alas otso pero hindi pa ako tapos sa pag-aayos. Late na ako sa sinabi kong oras kay Krissa pero ayos lang basta dadalo naman ako. Tumayo na ako at lumapit sa built in mirror ko sa gilid ng aking kuwarto kung saan makikita ko ang kabuan ng

