"I think you gained weight, anak." Napangiti ako ng marinig ko ang sinabi ni Mama. Gusto kong magkamot ng ulo ngayon dahil sa hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanyang kaya tumaba ako dahil buntis ako ngayon. "Napaparami kasi ang kain ko this past few days, Ma." Agad ko namang sagot rito na kinangiti nito. Hindi ako nagsinungaling sa sinabi ko na napapadami ako ng kain dahil totoo namang madami akong kinakain lalo na ay hindi lang ito para sa sarili ko. "I'm happy your doing well, Red. Akala ko ay lalo kang nangayayat dahil ang huli kong pagkakita sa iyo ay iyong araw ng kasal mo. You were as thin as a white paper." Eksaheradang reaksyon ni Mama na kinatawa ko.Minsan talaga ay kakaiba mag-react si Mama na parang si cheska din, parehong pareho sila magreact pagdaring sa akin. Kina

