Napahinga ako ng malalim, ilang araw na ang lumipas ng huli naming pagkikita ni Nick. Limang araw na mula ng may mangyari sa aming dalawa at simula ng umalis ako sa condo niya ay hindi na uli kami nakapag-usap kahit na nagsasalubong naman kami sa school. Noong nakaraang mga araw ay nagkakasalubong ang mga mata namin pero ako agad ang unang nag-alis ng tingin . Napansin ko sa sa klase ng tingin niya sa akin na pinagsisihan niya na may nangyari sa amin. Ayokong lumapit siya sa akin at ang tanging maririnig ko sa bibig niya ang paghingi ng paumanhin sa akin dahil nagsisisi siyang kinuha niya ang virginity ko kahit na ginusto ko din naman ang nangyari sa amin. Kaya sa tuwing nakikita ko siya ay ako ang unang umiiwas para hindi kami magsalubong. Iilang beses na nangyari na iyon at alam kong

