Isang taon na mula ng araw na pumunta ako sa kuwarto ni Nick, isang taon na din pala mula ng sinabi ko sa kanya ang totoo kong nararamdaman. Hindi na namin napag-usapang dalawa ang tungkol sa nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko na pinilit ang sarili kong nararamdaman sa kanya, siguro dahil hindi ko na kayang harapin ang rejection niya kaya hindi ko na muling binuksan ang topic tungkol roon. Hinayaan ko na lang ang sarili kong malubog ng pagmamahal sa kanya. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makaahon-ahon mula sa pagmamahal ko kay Nick. Lumipas ang taon na parati ko siyang nakakasama, sa loob ng panahaon na iyon mas lalo lang lumalim ang nararamdaman ko kahit na nakikita ko siyang may ibang kasamang mga babae. Kung gaano ka dumoble ang nararamdaman kong pagmamahal ay ganoon din ang sakit

