"Good morning, Ma'am," bati sa akin ng isang empleyado na binati ko din na may kasamang ngiti.Halos lahat ng madaanan ko ay binabati ko na isa isa ko namang nginingitian. Papasok na kasi ako sa loob ng opisina para sa umagang iyon. Katulad ng ibang umaga sa nakalipas na mga araw. Walang bago sa bawat araw ko, bahay at trabaho lang ang ginawa ko. Dalawang buwan na ang lumipas ng ikinasal ako kay Nick at mula ng manggaling kami sa isang linggo naming bakasyon. Minsan naiisip ko na isang panaginip ang bakasyon na iyon. Ilang araw na naging sweet sa akin si Nick, we were happy on that island. Naisip ko pa nga kung sana pwede lang kami hindi bumalik sa realidad pero syempre hindi iyon pwede. Mula ng makabalik kami dito ay puro trabaho na ang inatupag ni Nick at ganoon na din ang ginawa ko.

