Kinusot ko ang mga mata ko at maya-maya lang ay napahawak ako sa aking ulo ng makaramdam ako ng kirot. Binuka ko ang aking mga mata at isang madilim na kuwarto ang bumungad sa paningin ko. At ibang amoy ng kuwarto ang bumungad sa akin, mabangong amoy pero kuwarto ng isang lalaki. "Nasaan ako?" Napatingin ako sa paligid pero dahil nakapatay ang ilaw ay wala din ako masyadong maaninag. Nanlaki ang mga mata ko ng pagtayo ko ay napansin kong iba na ang suot ko. Agad kong hinagilap ang ilaw ng kuwarto para tignan kung anong kasuotan ko ngayon. Pagkabukas ko ng ilaw ay lalong nanlaki ang mga mata ko ng makita ko na isang malaking tshirt na kulay itim ang suot ko. Napabuntong hininga ako ng mapansin kong nakasuot pa din ako ng underwear. Wala din akong kakaibang nararamdaman sa katawan kaya

