Tumayo ako sa aking kama ng biglaan dahil hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko. Nasa bahay lang ako ngayon para muling humilata buong araw. Ilang beses na akong inaya ni Krissa lumabas pero hindi niya ako mapilit. Wala kasi talaga ako sa mood lumabas ng bahay kahit anong gawin niya. Ngayon nga nakasuot lang ako ng malaking tshirt at maikling short na pinutol ko galing sa isa kong pnatalon na hindi ko ginagamit. Magulong magulo ang buhok ko dahil pagkatapos maligo kanina ng sobrang aga ay agad kong pinatuyo ang buhok ko at muling nahiga sa kama. Kanina pa ako nakahiga at paikot ikot sa higaan ko habang nag-iisip ng kung ano-ano. At ang main topic sa utak ko ay walang iba kundi si Nick. Kailan ba siya nawala sa isipan ko? Isang linggo na ang nakalipas mula ng nagpunta kami sa spa ni

