"Ang gwapo mo padin.." Tulalang sabi ko habang nakatingin sa natutulog na Hiro Wang. Kung kaya hindi tayo nag hiwalay? Ano mangyayari ngayon? Siguro buhay pa sila Mama noh? Siguro hindi nag kagulogulo buhay ko ngayon. Nagulat ako ng hawakan niya yung kamay ko na nasa higaan. "Gusto mo pa ba ko?" Tanong niya saka inihiga ako at umibabaw sakin. Seryoso ang mukha niya at sobra talaga akong nailang. "Hiro...kasi alam mo eh──" Nagulat ako ng bigla niya kong hinalikan ng sobrang diin. Hindi niya ko tinigilan pero napatulala lang ako. Itulak mo siya dali! Mali yan! Mali yan! May boyfriend ka! Sabi ng utak ko. Pero ano gagawin ko? Mahal ko pa din siya. Sa kabila ng mga ginawa niya sakin. Nakakaiyak nalang yung sarili ko. Bakit ako ganito? *RING**RING* Narinig ko yung pag ring ng cellphone

