"Kailan ang kasal?" Tingin sakin ni Mommy habang abala kong nag aayos ng reports sa sala. "Marami pa kaming inaayos sa kasal kaya hindi papo namin naiisip." Baling ko kay Mommy na pumipilantik sakin. "Oh? Bakit wala pa din. Pag nag bago isip ni Cryz bahala ka." Pananakot pa niya sakin na ikinatawa ni Kuya. "Nag aayos na nga kami ng kasal eh." Angal ko naman sakanila at bumalik ng tingin sa mga reports. Nitong nag daang araw mas excited pa yata sila kesa sakin eh. Mantakin mo tanong sila ng tanong kung kailan ang kasal at kung bakit matagal daw. "Mom, hindi niya kasi kilala 'yon." Singit naman ni Kuya habang umaakbay kay Mommy. That's it. Ano nanaman ba 'yon? Tinigil ko ang pag gawa ng reports at tumingin sakanilang dalawa. "Hon, nabalitaan niyo na ba? Dumating na pala ng pilipin

