1 year and 3 months na kami ni Hiro ko. So far so good. Graduate na kami ni Hiro nag hahanap na ko ng trabaho. Lagi niya kong niloloko pano kasi siya may trabaho na agad sa company nila CEO pa. Kayabang ako kasi still looking pa gusto niya nga ako yung gawin niyang secretary niya. Kaso ayoko nga pag naging secretary niya ko uutos utusan niya ko mahirap 'yon sa girlfriend ha. Boyfriend mo yung boss mo! Wuuhh! "Ok ka lang ba princess?" Nagulat ako ng dumating si Hiro. "Sino magiging ok?! Late ka nanaman! Babae pa talaga pinag hihintay mo nakakahiya ka!" Asar kong sigaw sakanya habang naka crossed arms. Agad naman siyang nag lambing at niyakap ako. "Galit ka ba talaga? Bakit kanina nga lang ngingiti ngiti kang mag isa jan! Bakit sino nginingitian mo? May kangitian ka noh?!" Biro niya p

