Sinama ko ni Mark sa isang hotel na parang condo? Ewan ko pero sakanya yung lugar at pang mayaman. Pinsan niya pala si Hiro. Kaya niya lang sinabi na kalaban niya si Hiro kasi lagi siyang sinasapawan nito. Pero hindi 'yon yung Hiro na nakilala ko. Sinabi niya naman sakin na iba din yung ugali ng Hiro na kilala niya. Halos parang mag kaibang tao ang inilalarawan namin. Pero 'yon naman talaga siya. Ayaw niya ng popularidad, ayaw niyang napapansin at mas gusto niya simple. Matulungin siya kaya nga feeling ko nung naging kami napakaswerte ko. Pero sabi ni Mark ang kilala niya raw na Hiro makasarili, walang sinasanto, mahilig sa babae at easy go lucky pero strict sa trabaho laging nakikipag kompetensiya sa lahat. Di ko na tuloy alam kung ano ba talaga ang nangyayari sa kanya. "Ok na ba say

