Erika Millario's Point Of View.
Nang makatakas na ako sa bahay ni Jerlyn ay nagpara na ako ng Taxi papuntang club. Doon kami umiinom dati nila Ellaine t'wing may problema sya.
Ng makapunta na ako sa Club ay sunod-sunod ko ng narinig ang tugtog na halos ikabingi ko na. Hinanap ko pa si Ellaine at hindi naman ako natagalan dahil andon sya sa dulo, ang paborito din naming pag-upuan.
Tumabo ako don at tsaka umupo sa harap nya. Bahagya pa syang nagulat at agad ding napawi iyon dahil kumuha na sya ng maiinom. "Kalimutan mo na natin ang mga problema!" saad nya at tsaka tinaas ang isa nyang kamay na may hawak na bote ng alak.
Wala na akong pake kung anong alak ang hawak nya at agad kinuha ang isa sa kanyang kamay at nilagok iyon. Napatigil pa ako saglit dahil sumakit ang ngala-ngala ko.
Ang tapang ng alak na ito.
Napangiwi ako ng bumaba maramdaman kong bumaba nasa tiyan ko ang alak, grabe.
Ininom ko ito hanggang sa nakasanayan ko na. Tulad ng dati ay ganon na ganon pa rin ang reaksyon ko sa t'wing umiinom ako ng alak. Mapapangiwi sa umpisa hanggang sa nakasanayan ko na.
Ng maubos ko na ang isang bote ay napatingin ako kay Ellaine, nakatingin lang sya sa akin. Hinahayaan nya lang ako dahil alam kong gusto nya ring mawala ang problema ko kahit papaano.
"Kumuha ka pa!" hirit ko.
Tumayo naman sya at kumuha nanaman ng panibago, unti-unti ko iyong ininom hanggang sa maubos ulit at humirit nanaman ako. Mukhang nag-aalinlangan pa si Ellaine na bigyan ako dahil mukhang hindi na maayos ang kalagayan ko.
"Kahit ngayon lang." papikit-pikit na ani ko.
Nakakaramdam na rin ako ng hilo at unti-unti ng umiikot ang bawat paligid, pero mas ineenjoy ko iyon dahil kahit papaano mahihirapan akong isipin si Lysander.
Inilapag nya na ang nakuha nyang panibago at tsaka binuksan iyon, kinuha ko kaagad at ininom ng dahan-dahan.
Dinadama ang bawat lasa. Na kaninang mapait ngayon ay masarap na.
Ellaine Alejo's Point Of View.
"Ikaw!" sabay turo sa akin nito.
Napakamot naman ako ng batok, sagot ko ang babaeng ito kapag may nangyaring masama sa kanya. Mali pala ang desisyon ko na yayain pa itong uminom.
Hawak nya ng mahigpit ang bote na para bang ayaw nya ng pakawalan iyon, Pakening s**t naman this.
"Erika tara na umuwi" saad ko dito at tsaka lumapit sa kanya pero sinagi nya lang ang kamay ko at tsaka tumingin sa akin ng pasuray-suray.
"Ikaw!" saad nya ulit sabay turo sa akin. "Sabi mo kasalanan ko ang lahat!" anas nya at tsaka iwinasiwas ang kamay nyang may hawak ng bote sa ere.
"Yin uwi na tayo." maotoridad na utos ko rito ngunit wala man lang epekto sa kanya iyon dahil dumukdok na sya sa lamesa.
"Bukod sa pag-inom ng alak Ellaine ano pang alam mong makakatanggal nang problema? Amnesia? Pwede yon noh?" napaghahalataang lasing sya dahil sa kanyang pananalita.
Nakdukdok pa rin sya.
"Umuwi na tayo"
"Walang uuwi!" napatayo sya mula sa pagsigaw.
Nakatingin na rin ang ilang nakakakilala sa amin rito meron pang kumukuha ng litarato at meron pang nagvivideo.
"Hindi ba iyon yung dating asawa ni Lysander?"
"Kawawa naman"
Lumakas ang bulungan ng narito at nakatingin na sa amin ang lahat. Napapikit pa ako sa inis at tsaka hinawakan ang braso ni Yin. "Umuwi na tayo." saad ko.
Tumawa lang sya ng malakas at tsaka tinanggal ang kamay ko na nakahawak sa kanya. Pumunta sya sa gitna kung saan lahat ng tao ay nakatingin sa kanya at vinivediohan sya.
Napahilamos na lang ako ng mukha, mahirap pa naman pigilan ang letcheng to. Marahas nyang inagaw ang Mic sa babaeng kumakanta at tsaka tinitigan ito ng matalim. Nasindak naman ang babae at tumakbo pababa.
"Alam nyo naman na siguro na kasal na sa ibang babae ang asawa ko diba?!" sigaw nito.
Rinig ng buong lahat lalo na't walang umiimik maging ang tugtog ay tumigil na rin.
Sunod-sunod ng nagsilabasan ng Cellphone ang iba at vinivediohan na sya ngayon. "Wala pang dalawang buwan non na hiwalay kami pero nagpakasal na sya kay Enxi."
Ramdam ko ang hinanakit sa boses nito, alam ko na ang susunod nyang gagawin. Ilalabas nya na lahat ng sama nya ng loob.
Pupunta na sana ako sa gitna para pigilan sya ng may humarang sa kin. Isa itong matandang babae. "Nais naming marinig ang opinyon nya." tugon nito.
"Sa mga nagtatanong kung ano ang aking naramdaman nung nalaman ko iyon, syempre isang sagot lang. Masakit. Pero alam nyo ba na yong salitang masakit nayon, ay hindi sapat para ipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko. Oo masakit. Masakit na masakit. Pero yung salitang masakit ay kulang pa para maipaliwanag kung paano ako nasasaktan." tumigil ito at tsaka uminom sa hawak nyang bote at nagpatuloy sa pagsasalita. "Akala ng iba na ayos lang at makakarecover din ako pero tangina hanggang ngayon ang sakit-sakit parin, nakakatawa ngang isipin kasi habang patagal ng patagal pasakit ng pasakit. Mas masakit pa ata iyon kaysa sa mga bugbog na natatamo ko e."
Napatakip ako ng mukha at pinigilan ang namumuong luha sa aking mga mata, para na syang batang nagrereklamo na sinasabing hindi patas lahat ng nangyayari sa buhay nya.
"Nakita nyo rin ba kung gaano sya kasaya nung kinasal sila?" yumuko ito. "Ako kasi kitang-kita ko. Andun ako e!" anas nito at tsaka tumawa.
"Nakakatawa nga lang isipin na naisipan ko pang pigilan ang kasal nila, pero nabawi din kasi nakita kong ang saya saya ni Azhi. Ang saya saya nya." nabitawan nya ang hawak nyang bote dahilan para mabasag ito. Tumingala sya.
"Gusto nyo bang magkwento ako?!!" malakasang sigaw nito.
Agad namang sumigaw ang lahat bilang tugon. Ngumiti ng mapakla si Yin at tsaka tumango-tango.
Suddenly, I felt pain. Yin is so strong. She can hold her emotion. Ayaw nyang nadadamay kami sa problema nya. Pero ngayon, alam kong nahihirapan na syang itago ang nararamdaman nya.
Kahit nandiyan kami ni Sirui, feeling nya nag-iisa pa rin at may kulang pa rin sa kanya. It was Ace. Kahit naman sabihin nyang ayos na at tanggap nya nang matagal ng namatay si Ace at di na dapat pang balikan, iba pa rin ang sinasabi ng mata nya.