Parang gusto niyang sumama pauwe sa mga anak niya ng hapon na at kinakailangan ng umuwe ng mga ito. Iyak ng iyak si Kelly at ayaw sumama sa Yaya nito. "Papakabait naman ako daddy e, dito lang ako kay Mommy. Please!" Umiiyak na pakiusap nito sa ama. "Bawal mag sleep ang bata dito na walang sakit anak." Sabi ni Thunder dito. "E bakit si Caden nag sleep naman siya dito." Sabi nito. "Pag night time baby, bawal mag sleep dito. Uuwe din si Mommy, malapit na baby." Sabat niya, parang gusto niyang umuwe nalang agad sa mga ito. Alam niyang namimiss na siya ng anak. "Itago lang ako dito e. Sige na daddy please!" Pakiusap nito sa kanya. "Come here Kelly." Tawag niya dito. Para kasing pinipiga ang puso niya habang nakamasid sa bata na walang ampat ang luha sa mga mata. Niyakap niya ito ng mahig

