Des Pov Dala ang pera na pabaon ni Carissa ay tumulak siya papuntang Maynila, kompleto ang mga dala niya, bukod sa sulat nito para sa asawa. Dala niya din ang ilang mga medical records nito. Kinakabahan siyang di mawari, sobra sobra ang pera na pabaon ng kaibigan sa kanya. Ayon dito ay una niyang puntahan ang guro na si Josh, may larawan siyang dala syempre. Tapos may sulat din si Carissa para sa kaibigan nito. Isasama niya ang lalaki sa pagharap niya sa asawa nito. Sabi ng babae sa hotel siya tutuloy pag dating niya ng Maynila para mas komportable siya. Wag daw siyang magpapagutom kahit na ano ang kahinatnan ng lakad niya. Lulan ng taxi ay nahanap niya ang school kung saan nagtuturo ang babae. Isa iyong pribadong eskwelahan na pawang mga mayayaman ang naka enroll. Ang alam niya ay na

