Panay ang iyak niya habang lulan ng taxi. Alam niyang maaring pasundan siya ng asawa kaya naman ay naghanda siya upang mailigaw ang mga tao nito. Di nito pwedeng malaman kung saan siya pupunta. Tama na ang siya lang ang masaktan ng sobra. Dama niya ang sakit na nararamdaman ng asawa kanina habang paalis siya. Alam niya na gustong gusto nito na pigilan siya sa kanyang pag alis, pero buo na ang kanyang desisyon. "Sigurado kabang dito ka bababa?" Tanong ng driver ng makitang sa isang kanto siya pumara. Sasakay uli siya ng isang tricycle sa kabilang bahagi ng daan papunta na sa kanyang pupuntahan. Isang padyak ang pinara niya ng makababa, sa sakayan ng jeep siya. Nang umandar ang sasakyan na maghahatid sa kanya sa Casa Del Mundo ay doon niya muli na pinalaya ang mga luha. Flashback Napapa

