Dalawang beses silang sumakay ng barko bago nila sapitin ang isla kung saan nakatira ang babae. Unang tapak niya palang sa lugar ay dama niya ang tila emosyon na di niya maintindihan. Para siyang hinihigop ng lugar na iyon, na tila ba ay napakagaan ng pakiramdam niya. Maybe dahil hilong hilo pa siya sa naging biyahe niya sa bangka. Natakot pa siya dahil sa napakalalaking mga alon na nasagupa nila along the way. Lalo na ng tila kumulimlim pa. Pero awa ng diyos ay nakarating sila ng matiwasay at buo sa islang iyon. "Welcome po sa maliit na bayan ng Santa Fe Miss Carissa." Sabi ni Des sa kanya. Habang kasama niya ang babae ay isa lang ang natanto niya. Wala siyang dapat na ipag alala pag kasama niya ang babae. Mapagkakatiwalaan ito at iyon ang kanyang instinct dito at di pa siya namali ng b

