Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at sumilip ako sa labas. Nakita ko ang Papa ko at mommy ko nasa terrace sila kung saan ko sila iniwan Nandun parin sila. Napapikit ako. Naluluha parin ako habang tinitingnan ko sila.Nilibot ko ang paningin ko sa silid nila. Nakita ko ang drawer. Dahan dahan akong lumapit dito. Binuksan ko ang nasa unahan. Wala. bunksan ko ang pangalawa mga papel lang ang nandito. Sinara ko uli ito. Nang buksan ko ang pangatlo nakita ko ang hinahanap ko. Nagmamadali kong kinuha ito. Nakita ko ang CP ni Papa at ang susi ng sasakyan niya. Aalis na sana ako ng masagi ko ang bangko na nasa tokador. Nagingay ito agad na dumapa ako at sumuot sa ilalim ng kama. Nakita ko na nagmamadaling pumunta sila Papa sa kama inaamoy nila ang paligid. Napakunot ang noo ko. Dahan dahan akong sumoot papunta sa kabila. Saktong nakakarating ako sa kabilang side ng marinig nila ako. Nagmamadali akong tumayo at tumakbo papunta sa banyo. Ni lock ko ang pintuan nito naririnig ko na binabalya ni papa ang pintuan. Nagmamadali akong pumunta sa bintana. Saka nagpadulas paibaba. Kaso saktong nakakababa ako ng may dumating na infected Agad na sinugod ako nito. Hinawakan ko ang noo nito. Dinukot ko ang kutsilyo na nasa tagiliran ko. Tinarak ko sa ulo niya. Walang buhay na bumagsak ito. Tinulak ko ito at nagmamadali akong umalis. Pabalik na ako sa basement ng mapadaan ako sa kusina. Napadako ang mata ko sa Ref namin. Pumasok ako sa loob.tahimik dito. Naghanap ako ng mapaglalagyan. nakita ko ang bayong na nasa gilid. Binuhos ko ang laman nun. Binuksan ko ang mga drawer sa taas . Nilagay ko ang mga dilata at kung ano ano na nakita ko. Pati ang laman ng Ref nilagay ko lahat din saka nagmamadali akong lumabas. Saktong lumalabas ako nagdadatingan ang mga infected dala ang bayong Tumakbo ako papunta sa basement.. Naabutan ko na nakasakay na si Jake sa may manebela siya nakaupo.Si Miller naman hinihintay ako sa labas. Inabot ko sa kanya.
"s**t! Bakit ngayon ka lang nagaalala na kami sayo." Sabi nito sa akin.
"Bilisan mo pumasok kana sa loob nandiyan na sila." Sabi ko sa Kanya sabay lagay ng bayong sa loob ng sasakyan. Ng makita niya ang mga nasa likod ko nagmamadali siyang pumasok sa sasakyan . Sinara namin ang armored car. Binigay ko kay Jake ang susi. Agad na pinaandar nito ang sasakyan. Nakahinga kami ng maluwag ng makalabas kami ng gate. Pero hinahabol parin kami ng mga infected. Nawala lang sila ng makalayo na kami. Napadaan kami sa palengke. Bigla akong kinalabit ni Miller.
"Mukhang may hinahabol dun." Sabi ni Miller napatingin ako sa tinuturo niya. Napakunot ang noo ko ng makita kung sino ang mga ito. Kahit malayo kilala ko siya.
"Ihinto mo." Sabi ko kay Jake. Napalingon sila sa akin.
"Sigurado ka ang daming Infected." Sabi ni Jake sa akin.
"Ano ang ginagawa ng mga armas na yan kung hindi natin gagamitin. Nagkatinginan ang dalawa.
" Oo nga naman. " Sabi ni Miller.
" Wag ka ng umalis dito. Irerescue lang namin sila. Saka kinuha ang mahabang armas. Kumuha din si Miller ng armas.
Saka bumaba na kami. Agad na sinalubong kami ng mga infected.
.
***AERIS POV#***
Binalot namin ng mga damit ang mga bata. Ganun din kami.
"Ayos na kayo?" Tanong ko sa kanila.
"Oo ayos na kami." Sagot ni Aling Mameng. Tumango ako sa kanila.
"Kung ganun aalis na tayo." Sabi ko sa kanila. Kinuha ko ang Archery ko. Kinuha naman ni mang Berto ang bat niya. Kinuha naman ni aling mameng ang tukod ng bintana namin. Lumabas naman si nanay galing ng banyomay dala din itong kahoy. Lumabas na kami nv bahay. Dahan dahan kami. Hangang sa makarating kami sa may skinita. Nakita namin na maraming infected dun. Napansin kami ng mga ito. Kaya hinubad ko ang kaserola na nasa ulo ko at hinagis ito sa malayo. Yung iba tumakbo papunta sa ingay na nagmula sa hinagis ko. Pero ang iba sumugod sa amin. Agad na hinila ko sila nanay sa isang sulok kasama ang nga bata. Saka ko pinapana ko ang lumalapit sa amin. Si Aling Mameng at mang Berto naman nagtutulong. Hinahampas ni mang Berto ng Bat ang infected. Sinusundan namam ni Aling Mameng ng hamapas ito. Hindi pa kami nakakalabas ng iskinita ng makita kami ng ilang infected. Nagmamadali kaming tumakbo palabas hinabol kami ng mga infected.
"Bilisan niyo. dumeretso lang kayo." Sabi ko sa mga bata. Kaso ng makarating kami ng Palengke mas dumami pa ang infected. Sige ang hampas ni mang Berto at aling Mameng. Tumulong narin si nanay. Nakita ko na mauubos na ang bala ko.
"Anong gagawin natin?" Tanong ni Aling Mameng.
"Basta dumeretso lang kayo ng takbo." Sabi ko sa kanila. Nagulat kami ng makarinig kami ng putok ng baril. Napalingon kami sa likod namin.
"Dito!!" Sigaw ng isang lalake.
"Diro kayo tumakbo." Sabi uli niya kaya Pinigilan ko sila nanay.
"Sandali may dumating para tumulong sa atin." Sabi ko sa kanila. Napangiti si Aling Mameng. Nagmamadali kaming bumalik. Naubusan na ako ng bala ko kaya pinaghahampas ko na lang ang mga infected na nasasalubong namin.
"Dito bilis." Sabi niya. Namukhaan ko ang dalawang lalake na tumulong sa amin. Agad na tumakbo kasama nila.
Nakita ko na may sasakyan sila. Nagmamadali kaming nagsisakay dito. Ng makasakay sila. Agad nilang sinara ang pintuan. Binabangga ng mga ito ang salamin ng bintana. Agad na pinaandar ni Jake ang sasakyan.
"Ayos lang ba kayo?" Tanong ni Zid sa amin. Tumango kami.
"Naku salamat mga iho." Sabi ni mang Berto sa mga ito.
"Ayos lang po nagkataon po na napadaan kami dito." Sabi ni Miller.
"Diyos ko salamat sa diyos kung hindi kayo napadaan hindi namin alam na ang gagawin namin." Sabi ni nanay sa kania.
"Buti na lang po pala at dito kami napadaan. " Sabi ni Miller. Hindi ako sumasagot naiilang ako sa kanya. Inabutan niya kami ng tubig.
"Salamat." Sabi ko na lang sa kanya.
Saka ininom ang tubig. Sa totoo lang hindi ko na din alam ang gagawin kanina halos wala na kaming masulingan.