"O bat nakasimangot ka?" Tanong ni manang sa akin. Pinilit ko na ngumiti sa kanila. "Nagugutom lang po ako manang, Ano po bang makakain?" Tanong ko sa kanila. "Ay naku masarap ang niluto ni Madame. Maupo kana at ipagsasadok kita." Sabi ni manang. Pipigilan ko sana siya pero pinaupo na niya ako. Kinabukasan katatapos ko pa lang magturo sa mga bata. Kasalukuyan nagliligpit ako ng dumating na naman sila Morgan. May dala itong pagkain na nasa Tray. Napakunot ang noo ko. " Hi! dinalahan kana namin ng pagkain. Hindi kana naman kasi bumaba para kumain." Sabi ni Morgan sa akin. Napatingin ako sa tray. "Salamat." Sabi ko na lang. "Bakit nandito kayo? Hindi ba kayo duduty ngayon?" Tanong ko sa kanya. "Ah, Hindi kami ang naka duty ngayon sila Zid." Sabi niya. Napakunot ang noo ko. "Nagp

