" Wala mayipapakita kami sana sayo." Sabi nila. Napakunot ang noo ko. Hinila na nila ako. Pababa. Akala ko kung saan nila ako dadalahin. Yun pala sa isang book store. Nanlake ang mata ko ng makita ko ang mga libro. " Sabi na nga ba namin matutuwa ka e. " Sabi nila saka pumasok na sa loob. Tiningnan ko ang mga libro na nasa paligid namin. May isang libro ang nakaakit sa akin. Medyo makapal siya. Tungkol ito sa mga sakit. Nagkainterest ako dito. Palibhasa gusto ko magaral ng medicine. Kinuha ko yun. Pagtingin ko sa kanila namimili na sila ng mga Novel. Namili pa ako ng iba pang libro. Tuwang tuwa kami ng lumbas dito. Naging maayos ang lagay namin dito. Naghanap pa ng ibang mga Survivor sila Zid. Inayos nila Westley ang mga speaker na nakita nila dito sa mall kinunect nila sa isang device

