Chapter 3

1008 Words
Nakainis talaga ang lalake na yun. Nakasimangot ako ng bumalik kami sa room. Kinahapunan. Kagaya ng dati dinaanan ko sila nanay sa palengke. Tinulungan ko sila magligpit. "Alam mo ate sabi ng kaklase ko yung kuya din daw niya. Bigla na lang nagwala at kinagat ang asawa niya kaya dinala siya sa mental at ang asawa niya naman dinala sa ospital. Kasi adik daw yun. Nasobrahan daw kaya nabaliw na." Sabi ng kapatid ko napatingin ako sa kanya. "Kaya magiingat ka marami na ang nababaliw ngayon dahil sa droga. Masyado na kasing talamak ngayon yan." Sabi ni nanay. Tahimik lang ako. Iniisip ko ang nangyari kanina sa school. Hindi ko na kwenento sa kanila ayaw kong magalala si nanay. "Nay ako na po ang magluluto magpahinga na lang kayo." Sabi ko kay nanay. Pagdating namin sa bahay. Nagbihis lang ako sa silid namin saka ako lumbas. Nakita ko na nanonood sila ng TV. "Grabe, marami na pala ang nababaliw sa droga hindi lang dito sa atin. Yung anak ni Josie. Nagaadik na pala yun hindi niya lang alam. Kailangan daw kasi niya para hindi antukin sa trabaho niya." Sabi ni nanay Nakain na kami. Napatingin ako sa kanya. Naisip ko si Donna nababalita na nagdodroga ito. Kaya madalas na kakaiba ang mga kinikilos nito. Naging busy kami sa sumunod na mga araw dahil nalalapit na naman ang Exam namin. Kaya lagi akong nagpapakapuyat sa pagrereview. Hanggang sumapit ang Exam namin. "Grabe nanguna ka naman sa section natin." Sabi ni Olive. Ngumiti lang ako sa kanya. "Hindi ka talaga namin mahigitan." Sabi ni Mitch. Natawa na lang ako sa kanila papunta kami sa canteen. Ng makita ko ang grupo ni Zid napakunot ang noo ko ng makita na hindi nila kasama ang binata. "Himala hindi yata nila kasama ang leader nilang nuknukan ng yabang." Sabi ko. Napalingon naman sila Mitch sa tinitingnan ko. "Ang alam ko nandiyan lang yun kanina. Baka may pinuntahan lang yun." Sabi ni Yeula. Nang mapatingin sila sa likod ko. Akyong lilingon ako ng magsalita ang nasa likod ko. "Hindi ko alam na namimiss mo pala ako miss President." Sabi ni Zid. Na tawa sila Olive. " Ang kapal mo naman. Nagtaka lang ako na hindi ka kasama ng mga alopores mo na miss na kita agad. Hanga din ako sa imahinasyon mo no." Sabi ko sa kanya. Tumaas ang kilay niya. " Sorry, parang hindi kasi ganun ang dating ng pagkakasabi mo." Sabi niya sa akin. " Alam mo kasi bawas bawasan mo yung hangin sa utak mo. Akala mo kasi lahat na lang nagkakagusto sayo no. " Sabi ko aa kanya. " Kanina na mimiss mo lang ako. Ngayon naman nagseselos kana. " Sabi nito nanlake ang mata ko. " Sino ako? Magseselos kanino? Sayo? Pwede ba no kahit putaktehin ka pa nila hinding hindi ako magseselos sayo no. Haays. Ang lakas talaga ng hangin nito. " Sabi ko saka niyaya si Yeula na pumunta na sa counter para bumili ng pagkain namin. "Ikaw talaga Vice nakita mo na naman si A Lagi mo talagang iniinis yun pag nakikita mo. " Sabi ni Mitch. " Pano pinaglihi yata sa amplaya ang kaibigan niyo na yun laging bitter kapag nakikita ako. Hindi yaya marunong yun ngumiti man lang. " Sabi ni Zid saka kinuha ang inumin niya na nilapag niya sa lamesa namin kanina habang inaasar ako. " Alam niyo mamaya diyan ma fall kayo sa pagbabangayan niyo lagi. " Sabi naman ni Olive. Nagtawanan sila Tiningnan lang ako ni Zid saka nagpaalam na ito sa kanila. Kinabukasan walang pasok kaya kasama ako nila nanay sa palengke. Tinulungan namin si Nanay sa pagtitinda. " Mabuti kapa Nelia mabait ang anak mo. Balita ko scholar daw yan sa Montessori?" Tanong ni aling Delia ang nagtitinda ng hipon sa tabi namin. Tumango si Nanay. "Haays, sana lahat ganyan na lang ang anak. Alam mo ba si Josie naku dinala narin pala sa mental at nasiraan narin daw ng bait sa ospital. Hindi yata nakaya ang nangyari sa anak niya." Sabi nito. "Bakit anong nangyari kay Josie?" Tanong ni nanay habang inaayos ang gulay na hinugasan namin. "Hindi mo ba alam Naku na wala din daw sa sarili pagdating sa ospital. Kaya ayun si Mila namomoroblema kasi dalawa ang nasa mental na pasyente niya." Sabi ni Aling Delia. " Kawawa naman pala ang batang yun no. " Sabi ni nanay. " Naku hindi lang kaya siya ang ganyan ngayon yung suki ko din. Tatlo ang nasa mental niyang anak. Dahil sa droga. Bigla na lang nagwala ang mga anak niya buti na lang nakatakbo siya sa labas. Hindi siya nakagat ng mga ito. pinagtulungan ng mga Barangay na hulihin ang mga ito at dinala sa mental. Grabe na talaga ang nangyayari sa mundo natin. " Sabi naman ni aling Linda. " Oo nga. Bakit ba kasi nauso ang mga ganyan dito sa mundo." " Kayo talaga manang Mameng hindi lahat. Nagkataon lang na mahihina lang ang mga yun. Yung sa kabilang Barangay may nangyari din na ganyan Hindi naman siya Adik. May sakit daw yun na malubha. Sabi na depress daw yun kasi iniwan ng asawa kaya nabaliw din. Nagwala na lang din. Nakagat niya yung isang anak niya. Napatay niya nga ito kasi kinain niya ito. Huli na ng makita ng lola." Sabi ni Isabel na nagtitinda ng mga bawang at sibuyas. " Ay geabe naman yun. Baliw na talaga yun. " Sabi ni aling Linda. Nakikinig lang kami ng kapatid ko sa kanila. "Ate totoo kaya yung kwenento ni ate Isabel?" Tanong sa akin ng kapatid ko. "Siguro. Baliw na nga siya diba ibig sabihin wala na siya sa sarili niya." Sabi ko ditl. "Wag mo na ngang isipin yun. Bilisan mo na lang yan para matapos na tayo. Maghahatid pa tayo ng gulay sa Prisinto at sa Ospital." Sabi ko sa kanya. Tumango siya. Nagbalot na kami ng gulay. Saka nagpaalam na kami kay nanay na maghahatid kami sa prisinto at sa Ospital ng gulay. Tuwing sabado kasi sila magpapahatid sa amin ng gulay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD