CHAPTER 46 – GABI

1631 Words

ARYNN FAJARDO   Naiwan kami ni Youji sa kusina at tinutulungan niya ako na magligpit. Napapansin ko na panay ang dikit nito sa akin. May mga pagkakataon pa na parang sinasadya niya na mahawakan ang aking kamay at bewang habang ako ay naghuhugas ng pinggan. “Youji, tigilan mo ko, ha.” Nakatalikod pa rin ako sa kanya at binabanlawan ang mga plato. Nakita ko ang paglaki ng anino nito sa pader na nasa aking harapan. Naramdaman ko ang pamilyar na init sa aking likuran. “Ano ang kasalanan ko? Tinutulungan lang kita.” “Ah, tulong pala iyon. Sorry.” Sarkastiko kong sabi. Kumuha ito ng malinis na basahan at hinawakan ang pinggan na natapos ko ng linisin. Pinunasan niya iyon hanggang sa matuyo. Mas naigagalaw na niya ang kanyang balikat kumpara noon ngunit paminsan-minsan ay kumikirot pa rin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD