CHAPTER 49 – JUST US

1288 Words

ARYNN FAJARDO   “Alam ko, ang cute ni Ford kahapon. Nakikipag-unahan siya sa mangga. Ang sigla niyang bata,” kuwento ni Eleanor habang naglalakad kami papunta sa bukid. Nilingon ako ni Lily. “Ang balita ko ay nangharana sila Jacinto sa inyo, ah.” Napangiwi ako. “Oo. Ngayon lang may gumawa sa akin ng ganoon.” “Napakaraming kababaihan ang may gusto kay Jacinto. Paano ba naman? Matangkad, maganda ang katawan, guwapo, at higit sa lahat ay napakabait.” “Hindi ba ganoon rin si Sir Youji?” Sabat ni Eleanor. Humarap sa amin si Lily. “Iba si Jacinto. Mas abot-kamay ng mga taga-Aguid si Jacinto.” Tumango-tango lang ako. Napahinto kami sa paglalakad nang may humarang na kabayo sa aming harapan. Si Youji ang sakay niyon at sa harapan niya nakaupo si Ford. “Again, again! Jump! Again, tito!”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD