ARYNN FAJARDO Dalawang araw na ang nakakaraan simula noong malaman ni Youji na anak niya si Ford Kenzo at katulad ng pangako niya ay hindi niya sinabi sa anak ko ang totoo. Dahil sanay na siya sa kalagayan ng kanyang balikat ay alam na niya kung paano aasikasuhin ang sarili kaya hindi ko na siya masyadong inaasikaso pa. “Mamon! Ang bilis mo naman tumakbo!” Hiyaw ni Ford habang nakikipag habulan kay Maria Monica. Dahil sa madalas na paglabas ni Ford ay pumayag na si Maria Monica na maging kaibigan niya. Nakaupo lang ako sa porch habang nakaharap sa aking laptop. Marami na kasi akong pending emails from my clients at kagabi ay tumawag na rin si Drake dahil ginugulo na rin siya ng ibang kliyente namin. Mabuti nalang at kahit papaano ay may signal sa lugar na ito at maaari akong magtra

